Advertisers
Patay ang limang katao nang sumabog ang mga ginagawang paputok sa isang residential area sa Calamba City Laguna, Biyernes ng umaga.
Kinilala ang mga nasawi na sina Leticia Yutan Corral, 83, widow; James Darwin Corral Delluson, 22; Ryan James Guttierez, 18; Kenneth Buebo, 24, na pawang taga Blk 22, Lot 20, GK Village, Sitio Majada In, Brgy. Canlubang, Calamba city, Laguna. Habang patuloy na inaalam pa ang pagkakakilalan ng isa sa mga nasawi
Sa report na nakarating sa Camp Crame, 11:00 ng umaga nang maganap ang aksidente sa GK Village, Sitio Majada, Brgy. Canlubang, Calamba City, Laguna
Nabatid na nakarinig ng malakas na pagsabog ang mga residente sa nasabing barangay at nagsimula ang sunog.
Agad naman itinaas sa 2nd alarm ang sunog nang dumating ang mga bumbero upang apulain ang apoy.
Dakong 12:03 ng tanghali nang makontrol ng mga bumbero ang apoy at sa pagsisiyasat natagpuan ang bangkay ng limang katao.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng nasabing insidente.(Mark Obleada)