Advertisers

Advertisers

Rollback sa presyo ng petrolyo asahan sa susunod na linggo

0 163

Advertisers

POSIBLENG magkaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Base sa unang apat na araw ng trading, nasa P1.90 kada litro na ang ibinagsak sa presyo ng imported diesel, P1.64 naman sa kerosene at P0.83 sa gaso-lina.

“Dahil pa rin po ito sa pagsurge ng COVID sa China in fact 23,000 per day ang naging cases nila at nagspread sa malalaki nilang region like Guanzhou at Chongqing syempre bumaba na naman ang demand ng china at yung pagtaas na pagtaas na interest rate to beat inflation,” ayon kay Energy Asst. Director Rodela Romero.



Ayon pa kay Romero, nakadepende sa magiging resulta ng susunod na meeting ng OPEC Plus sa Disyembre ang magiging galaw ng presyo ng petrolyo sa mga susunod na linggo.

“Kung talagang imamanage lang nila ang market, maaaring dahil sa pagbaba ng demand magtutuloy tuloy din ang pagbaba ng presyo kung despite the tightness ay enough ang supply sa world market kahit mababa ang demand,” ani Romero.