Advertisers
Sugatan ang dalawang mag-aaral nang sumiklab ang rambulan sa loob ng isang paaralan na nag-ugat dahil sa paninipa ng bag sa Antique.
Sa isang video, makikita ang pambubugbog sa 19 anyos na Grade 12 student na si Patrick James Apostol.
Isang guro ang nagtangkang umawat pero patuloy pa rin ang mga estudyante sa pambubugbog.
Aawat lang sana ang 20 anyos na si Raf Selda pero nagulpi rin at nagkasugat sa ulo at mata.
Nag-ugat ang rambulan sa paninipa umano ng isa pang estudyanteng si John Rey sa bag ng pinsan ni Apostol.
Tumanggi siya sa akusasyon at nagalit sa pagkompronta sa kaniya ni Apostol.
Tatlo pang kasama ni John Rey ang kasali sa rambulan.
Nagkaharap na ang mga estudyanteng dawit sa gulo kasama ang kanilang mga magulang sa school principal ng Antique National School
Pag-uusapan na ang parusang ipapataw sa kanila.