Advertisers
Ipinahayag ng City health office (CHO) na pitong katao ang nasawi sa leptospirosis sa Bacolod City..
Base sa tala ng CHO, umabot sa 35 ang kumpirmadong kaso ng leptospirosis sa lungsod, karamiha’y galing sa Barangay Singccang at nasa edad 21 hanggang 30.
Dahil dito, nagpaalala si Dr. Grace Tan, CHO sanitation division head, sa publiko na hangga’t maaari ay huwag sumuong sa tubig-baha.
Pero kung hindi talaga aniya maiwasan, tiyaking may suot na bota at gloves.
Kapag nalantad sa maruming tubig, agad uminom ng prophylaxis sa loob nang 24 hanggang 48 na oras at magpakonsulta sa doktor kapag nakaramdam ng lagnat at pananakit ng kalamnan, lalo sa hita.
Ang leptospirosis ay sakit na nakukuha sa tubig na kontaminado ng ihi ng hayop na may leptospira bacteria.
Madalas nagmumula ang impeksiyon sa tubig-baha, lalo na kapag may sugat na puwedeng pasukin ng bacteria.