Advertisers
SINAKSAK ng dating radio broadcaster ang isang manager ng bangko sa Legazpi, Albay.
Kinilala ang salarin na si Lamberto Doronela, kilala rin bilang si “Kuya Lambi” sa RBN News Television.
Ayon kay Albay Police spokesperson, Lt. Kharren Formales, nangyari ang insidente habang nagkakainuman sina Doronela at ang biktima na si Jaime Aplacador, isang bank manager.
Sinaksak si Aplacador gamit ang isang gunting 7:20 ng gabi.
Sugatan ang biktima sa kaliwang bahagi ng kanyang leeg. Agad namang naaresto si Doronela.