Advertisers
NASAWI ang isang dating konsehal ng bayan nang pagbabarilin sa labas ng kanyang apartment sa Camarines Sur, Sabado ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Raul Delfin Divinagracia, residente ng Barangay Cadlan, Pili.
Sa ulat ng Pili Municipal Police Station, 9:00 ng gabi kabababa lang sa kanyang sasakyan ang biktima nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin.
Nagtamo ng mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktima. Isinugod pa ito sa ospital subali’t idineklarang dead on arrival.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.