Advertisers
MAHIGIT-kumulang 2,000 mga abandonadong balikbayan boxes na nasa bodega pa rin sa may Bulacan ang nakatakdang ihatid sa mga probinsya.
Ito umano ay isinusulong na maihatid bago mag-Pasko ngayong linggo nang libreng paghahatid sa mga probinsya.
Una rito, nagkaroon din umano ng tensyon sa Bulacan warehouse na nagdulot ng hindi malinaw na direksyon sa pagpapalabas ng mahigit 4,600 balikbayan boxes pagkatapos ng ilang buwang pagkaantala.
Ang mga package na ito raw kasi ay nanggaling pa sa Middle East na inabandona ng foreign courier services at Bureau of Customs.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin daw ang pangongolekta ng mga package ng mga tatanggap sa bodega.
Kailangan lang din magdala ng Authorization letter, Valid ID, kopya ng passport ng nagpadala sa mga nais mag claim ng kanilang package.
Iginiit naman ni Dela Torre, na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Migrat workers (DMW) para panagutin ang mga consolidators o freight forwarding entities na umabandona sa balikbayan boxes sa Bureau of Customs.
Magkakaroon din sila ng pagpupulong kasama ng mga legal team para sa pag-finalize ng mga dokumento para maayos ang pagsasampa ng kaso.