Advertisers

Advertisers

Selos!: Titser 19 beses sinaksak ni mister

0 195

Advertisers

NASAWI ang isang guro nang pagsasaksakin ng 19 beses ng kanyang mister dahil umano sa matinding selos sa Valencia, Negros Oriental.

Sa ulat, dead on arrival sa ospital ang biktima.

Duguan na nagtungo sa estasyon ng pulisya ang salarin, sumuko sa ginawa niyang pagpaslang sa asawa.



Sinabi ng Valencia Police na may matinding selos ang mister kaya nasaksak niya ang kaniyang misis.

Inilahad ng mga kaanak ng biktima na dati nang sinasaktan ng lalaki ang ginang.

May matinding trauma ngayon ang kanilang mga anak nang makita ang pagpaslang sa kanilang ina.