Advertisers
Patay ang riding in tandem na responsable sa ilang holdapan nang makipagbarilan sa mga pulis sa Kabacan, North Cotabato.
Dead on the spot sina Johari Kasim Adtag, 25; at Boy Macacua, 32, kapwa taga-Barangay Kidama sa bayan ng Matalam.
Sa ulat ng North Cotabato Police Provincial Office (PPO) sa Camp Crame kahapon, naganap ang insidente 9:30 ng gabi nang umatras sa isang police checkpoint sa Barangay Oasis ang mga suspek sakay ng kanilang motorsiklo.
Hinabol ang mga ito ng mga pulis sakay ng kanilang motorsiklo subali’t habang tumatakas ang mga suspek binabaril sila ng mga ito kaya gumanti ng rin ng putok ang kapulisan.
Nakorner ang mga suspek subali’t imbes na sumuko nakipagbarilan pa dahilan ng kanilang pagkasawi.