Advertisers

Advertisers

Jeric kinikilig kay Bea; Thea ‘di mahigpit ang pilotong dyowa

0 138

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

HINDI istrikto ang boyfriend ni Thea Tolentino na si Martin San Miguel, ayon na mismo sa Sparkle aktres.
Hindi raw niya kinakailangan na magpaalam kay Martin, na isang piloto ng PAL Express, kapag may gagawin siyang teleserye o pelikula.
Pero halimbawang gagawa siya ng isang eksenang seksi sa harap ng kamera, papayag kaya si Martin?
Although hindi pa naman gumawa si Thea ng isang seksi o daring role.
“Wala pa naman po at tsaka nasa sa akin din naman po yun kung kumportable ako, iyon po ang importante,” pahayag pa ni Thea na napapanood sa Mano Po Legacy: The Flowers Sisters sa GMA.
Speaking of Mano Po Legacy The Flowers Sisters, abangan ang special appearance ng vlogger at entrepreneur na si Small Laude sa show.
Sumikat si Small dahil sa kanyang travel and lifestyle videos kung saan mas nakilala ang kanyang sweet, positive at bubbly personality.
Sa kasalukuyan, mayroon siyang 1.54 million subscribers at 151,883,693 combined views sa kanyang YouTube account.
Bukod dito, naging bahagi siya ng Asia’s Most Influential list ng high society magazine na Tatler Philippines noong 2021 at 2022.
Abangan ang special appearance ni Small Laude sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.
***
THREAT si Jeric Gonzales kay Alden Richards.
Pero sa Start-Up Ph lang naman ito at hindi sa tunay na buhay.
Mukha kasing kinakabog ni Davidson (role ni Jeric sa show) si Tristan (papel ni Alden) dahil mabilis na dumarami ang fans ng tandem nina Jeric at Bea Alonzo!
Kung dati kasi ay nakasentro ang mga viewers kina Bea at Alden, lately ay kinakikiligan na rin ang DaDA loveteam nina Davidson at Dani (Bea) sa Start-Up PH ng GMA!
At nang nakarating ito kay Jeric ay kinilig din ang Kapuso actor at ayon sa kanya…
“Nakakakilig naman yung balita na yan, na napapansin nila ang Team DaDa!
“I’m so happy kasi unexpected talaga ‘to.
“Nung pinanood ko yung Start-Up na original, yung Korean, ako personally, kinilig ako kay Nam Do-san (Nam Joo-hyuk) saka kay Seo Dal-mi (Bae Suzy).
“Pero ayun yung sinasabi nila, ng mga netizen, na kinikilig sila sa amin ni Dani, and parang overwhelming iyon kaya nagpapasalamat ako sa kanila.”