Advertisers

Advertisers

VHONG INILIPAT NA SA TAGUIG CITY JAIL!

0 203

Advertisers

INALIS na sa kostudiya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang actor na si Vhong Navarro nitong Lunes, Nobyembre 21.

Inilipat si Navarro sa BJMP Taguig City Jail – Male Dormitory, Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Hiniling ng Taguig Regional Trial Court Branch 69 sa Security Management Section ng ahensya (NBI-SMS) noong Nov.14 ang paglipat ng kulongan sa actor.



Sumailalim pa sa ilang medical examinations ang actor tulad ng RT-PCR test, alinsunod sa health protocol requirements bago ang kanyang paglilipat sa BJMP, Taguig City.

Nitong Lunes ng hapon, ineskortan ng mga ahente ng NBI si Navarro mula sa NBI Detencion Center patungong Taguig CityJail.

Nakulong si Navarro sa kasong ‘rape’ na isinampa laban sa kanya ng “model” na si Denice Cornejo.
(Jocelyn Domenden, Jonah Mallari)