Advertisers

Advertisers

2 ‘hired killers’, 2 pa patay sa engkuwentro

0 189

Advertisers

PATAY ang apat katao kabilang ang dalawang ‘hired killers’ sa magkahiwalay na pamamaril sa lungsod ng Cotabato, Lunes ng gabi.

Kinilala ang unang napatay na si Norhamin Usman Guidel, 6:00 ng gabi, na isang gunman sa bisinidad ng City Plaza, hindi kalayuan mula sa Cotabato City Police Precinct 1.

Nakatakas ang mga salarin bago dumating ang responde mula sa pulisya.



Matapos ang may 10 minuto, pinagbabaril din ng dalawang lalaki ang isa pang biktima na nakilalang si Rashidin Angas sa mataong kalye ng Sinsuat Avenue.

Sakay si Angas ng motorsiklo nang buntutan ng riding in tandem at pinagbabaril.

Samantala, napatay ng pulisya ang dalawang “hired killers” na sina Naif Kasim at Lakmudin Mohammad nang masukol sa hot pursuit operation.

Kasunod ito nang ginawa nilang tangkang pagpatay sa isang empleyado ng Bangsamoro Transition Authority na si Rahib Panumpang Payapat, may limang minuto lang matapos ang insidente ng pamamaril kay Angas.

Minamaneho ni Payapat ang kanyang Toyota Hilux pickup nang dikitan ng riding in tandem at pinagbabaril saka sumibat sa lugar.



Naharang ng mga nagpapatrolyang pulis sina Kasim at Lakmudin subali’t nanlaban umano nang aarestuhin kaya sila napatay sa engkuwentro.