Advertisers

Advertisers

8 kulong sa ‘jueteng’ sa Laguna

0 243

Advertisers

ARESTADO ang walong indibidwal sa operasyon kontra illegal number games sa isinagawang joint operation ng Bay MPS at Regional Special Operations Unit (RSOU 4A.)

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, acting Provincial Director ng Laguna PNP, ang mga nadakip na si alyas Carlo, alyas Jonathan, alyas Don Don, alyas Nelson, alyas Jerry, alyas Danilo, alyas Jude, at alyas Mauro.

Ayon sa ulat ng Bay Municipal Police Station, nagkasa ang mga otoridad ng anti-illegal gambling operation kasama ang RSOU PRO4A sa may Purok 2, Brgy., Tranca, Bay nang mamataan sa aktong nag-o-operate ng “jueteng” ang walo katao.



Nakumpiska sa mga ito ang mga gambling paraphernalia at gambling money na aabot sa P11,680, at nakumpiska naman kay alyas Carlo ang mga drug paraphernalia. (KOI LAURA)