Advertisers
NASAWI sa pananambang ang presidente ng Association of Barangay Captains (ABC) sa Barangay Ayao-Iyao, Lemery, Batangas, Martes ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si Enrico Renrick Razon, nasa hustong gulang, barangay chairman sa District 3 ng Lemery.
Kuwento ng mga nakakita sa insidente sa mga imbestigador ng Lemery Municipal Police Station, sinabayan ng riding in tandem criminals ang kulay itim na Toyota Fortuner na minamaneho ng biktima sakay ang kanyang kapamilya, at pinutukan ng sunod sunod.
Kaagad nasawi si Razon dahil sa mga tama ng bala sa kanyang ulo at katawan. Masuwerte namang hindi tinamaan ang mga sakay nitong miyembro ng kanyang pamilya.
Nakatakas ang mga salarin.
Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon sa krimen ang pulisya.(KOI LAURA)