Advertisers

Advertisers

Cybercrime hub, itatatag sa mga paliparan

0 187

Advertisers

MAGTATATAG ang Bureau of Immigration (BI) at ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ng mga cybercrime hubs sa iba’t -ibang paliparan sa bansa para sa agarang pag-aksyon sa mga nasasabat na kaso na idinadaan sa bansa.

Ito ay makaraan na pumirma ng isang “memorandum of agreement” ang BI at CICC nitong Nobyembre 15 para sa pagtatatag ng mga ito sa mga pangunahing airports at maging sa BI Main Office sa Intramuros, Maynila.

Ang CICC ang pangunahing ahensya ng gobyerno na lumalaban sa mga cybercrimes. Kasama si BI Commissioner Norman Tansingco, pumirma si CICC Executive Director Alexander Ramos sa simpleng seremonya.



Sa kasunduan, magbibigay ang BI ng tulong sa mga imbestigasyon sa cybercrime at online fraud na sangkot ang mga dayuhan na pumapasok at nananatili sa bansa.

“This invaluable partnership between government agencies is a major step towards eliminating cybercrime in the country,” saad ni Tansingco.

Dahil dito, nagbabala si Tansingco sa mga dayuhan na sangkot sa cybercime na lalong hindi na sila makakatakas sa kanilang mga krimen dahil sa matutunton at matutunton na sila, mapapa-deport at mailalagay sa blacklist. (JERRY S. TAN)