Advertisers
Standings:
UST – 6 pts
FEU-D – 6 pts
AdU – 5.5 pts
Ateneo – 5.5 pts
DLSZ – 1 pt
ITINALI ng Far Eastern University-Diliman at University of Sto. Tomas ang magkahiwalay na 3.5-0.5 na panalo sa Round 3 para somosyo sa top spot ng UAAP Season 85 Boys’ Chess Championships sa FEU Tech Gym sa Manila
Pinagpag ng FEU-D ang Ateneo High School habang tinalo ng UST ang De La Salle – Zobel para tumaas ang kanilang season total sa 6 na puntos.
Si Franklin Loyd Andes ng FEU-D (Board 2) ay nagpakita ng galing sa taktakan gamit ang mga puting piyesa para umangat sa tuktok pagkatapos ng 39 moves ng Petrov Defense laban kay Raiz Ryann Roxas.
Naghatid din ng isang panal si Christian Marcelo Olaybal sa top board matapos ang swabeng maiposisyon ang isang bishop at pawn endgame, daan para mapilitang sumurender si Liam Uriel Batnag ng ADMU pagkatapos ng ika-44 na sulong habang si Cyrus James Damiray ay agad kumilos kay Gian Alingog, kinuha ang panalo gamit ang puting piyesa sa loob lang ng 31 moves ng Sicilian Defense.
Nakumpleto ni Lemmuel Jay Adena ang laban ng FEU nang may tabla sa Board 3.
Para sa UST, si Karlycris Clarito Jr. ang nakakuha ng spotlight matapos ikomando ang isang 22-move mate kay Paolo Miguel De Vera ng DLSZ sa Board 1.
Sinundan ni Francis Apollo Magpily ang isang 37-move mate sa Board 3 habang si Ronald Dableo II ay iniwan si Nathan Joseph Navarro na walang pagpipilian kundi ang magbitiw pagkatapos ng 30 sulong ng London System sa kagandahang-loob ng isang hindi mapigilang promosyon ng pawn.
Hinati naman ni Emcel Jules Gadut ang puntos kay Tyrhhone James Tabernilla ng DLSZ sa Board 2 para isara ang dominanteng panalo ng UST. (Louis Pangilinan)