Advertisers

Advertisers

Jones Bridge sa Maynila binabahayan ng snatchers: Brodkaster nabiktima

0 170

Advertisers

NAGLIPANA na ang mga kawatan sa Maynila. Isa sa mga nabiktima ng celphone snatching ang babaeng broadcaster sa Jones Bridge sa Binondo nitong Martes.

Ininda ng broadcaster na si Gina Mape ng DWWW radio ang masakit niyang kamay nang pilipitin ng snatcher habang hawak ang kanyang cellphone at pilit na inaagaw.

Ayon kay Mape, sakay siya ng pampasaherong jeep at nakaupo sa gawing driver’s passenger seat nang isang lalaki ang dumikit at biglang hinawakan ang kanyang kamay.



Kaagad namang umaksyon ang mga tauhan ng Manila Police District, hinalughog ang paligid ng Jones Bridge at naaresto ang dalawang menor de edad na sinasabing mga celphone snatcher sa lugar.

Ayon kay Mape, hindi naman nagtagumpay ang snatcher na makuha sa kanya ang celphone dahil mahigpit ang kanyang pagkakahawak nito bukod pa sa may isa pang pasahero na nagsilbing harang para hindi makuha ng snatcher ang kanyang cellphone.

Kasalukuyang hawak ng women’s desk ang mga suspek, pinag-aaralan ang kasong isasampa laban sa mga ito.

Ayon kay Binondo Police chief, Colonel Rexson Layug, tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang pagsisikap para mabantayan ang seguridad ng publiko. May mga naka set-up silang police assistance desk sa lugar kaya mabilis ang pagkakahuli sa mga satcher.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">