Advertisers
Arestado ang dalawang Vietnamese National ng mga elemento ng Philippine National Police Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) sa pagkidnap sa kapwa vietnemese sa isinagwang operation sa Pasay City at Parañaque City.
Kinilala ang nadakip na sina Minh Viet Phan, 29; at Chi Trung Nguyen, 27 anyos.
Naaresto ang mga suspek nang masagip ang biktima vietnamese national sa Antipolo City.
Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., huling nakita ang biktima sa isang restaurant noong gabi ng October 29, 2022.
Kinabukasan, nakatanggap ng message at video ang boyfriend ng biktima na sinasaktan ng mga kidnapper at humihingi ng P 50,000,000 ransom kapalit ng pagpapalaya dito.
Sa pakikipagnegosasyon sa pamilya ng biktima, nagbigay P1,000,000.00 pesos na i-transferres sa 2 tranches ng US dollar account.
Na-rescue ng mga otoridad ang biktima nang palayain ng mga suspek sa Blue Mountain , Sumulomg Highway, Antipolo City noong Nov. 16, 2022.
Agad naman nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad at unang nadakip si Minh Nguyen sa inuupahan nitong condominium ss Pasay City noong Nov. 17, 2022.
Habang naaresto si Cni Trung Nguyen sa KTV Bar sa Parañaque City noong Nov 18, 2022.
Sinampahan ang mga suspek ng kasong Kidnapping for Ransom and Serious Illegal Detention habang patuloy naman ang pagtugis sa mga kasamahan ng mga ito.(Mark Obleada)