Advertisers

Advertisers

Pulis patay sa kabaro

0 85

Advertisers

Nasawi ang isang pulis nang aksidenteng mabaril ng kanyang kasamahang pulis sa loob ng barangay hall sa Brgy. 1-B, San Pablo City nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa report ng San Pablo City police, naglilinis ng kanilang mga baril ang biktima at mga kasamahan nito ng aksidente pumutok ang isa sa mga service fire arm ng grupo.

Kinilala ang biktima na si PCpl Fhrank Aldene Yasay Dela Cruz, tubong Alicia, Isabela at nakatalaga sa SWAT unit ng San Pablo City police station.



Lumalabas sa imbestigasyon na naghahanda ang mga pulis para sa inspection na gagawin ng Regional Supply Accountable Officer o RSAO para sa kanilang mga baril.

Chine-check ng ng pulis na si PCPL George Mervin Cañete Duran ang kanyang service fire arm na 9mm na baril ng pumutok ito at tinamaan sa dibdib ang biktima.

Agad itong Isinugod sa ospital subali’t idineklara na itong dead on arrival ng doctor.

Pansamantalang kinustodiya ng San Pablo CPS ang nakabaril na pulis habang patuloy pang isinasagawa ang imbestigasyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More