Advertisers

Advertisers

Bgy. chairman nakipaglamay, pinaglamayan

0 17

Advertisers

NASAWI ang isang barangay chairman nang pagbabarilin ng riding in tandem sa Sitio Mainit, Nueva Ecija, Linggo ng gabi, Hulyo 13, 2025.

Kinilala ang biktima na si Cesar Asuncion, chairman ng Brgy. San Isidro, Laur, Nueva Ecija.

Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Director, Colonel Heryl Bruno, papauwi na ang opisyal sakay ng motorsiklo mula sa isang burol ng kanyang ka-barangay nang tambangan.



Isang bala mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril ang tumama sa balikat na tumagos sa ulo ni Asuncion, sanhi ng agad nitong pagkamatay.

Bumuo na ng special investigation task group ang PNP Nueva Ecija para matutukan ang kaso. (Thony D. Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">