Advertisers

Advertisers

1.7 TONELADANG SHABU PAPUNTANG PINAS NASABAT

0 20

Advertisers

DALAWANG malalaking shipments ng shabu ang nasabat sa magkahiwalay na operasyon sa Laos at Thailand sa loob lamang ng ilang araw. Parehong Pilipinas ang sinasabing destinasyon, ayon sa mga awtoridad na nag-iimbestiga.
Noong Oktubre 1, 2026, nasamsam sa Laos ang 521 kilo ng shabu mula sa isang chartered private jet na pinaniniwalaang patungong Manila. Isang Pilipinong pasahero ang kabilang sa 13 indibidwal na dinakip kaugnay ng insidente.
Makalipas lamang ang anim na araw, Oktubre 7, naharang ng Thai Police ang barkong East Harbour 1 sa Gulf of Thailand.
Natagpuan sa isang naka-tagong compartment ng barko ang 1,178 kilo ng shabu na nakabalot sa mga tea bag at nakasilid sa 39 sako.
Anim na Thai crew members, kabilang ang kapitan, ang inaresto. Ayon sa Thai Police, inamin ng mga suspek na ihahatid ang droga sa Pilipinas.
Sa kabuuan, 1,699 kilo o halos 1.7 toneladang shabu ang nasabat sa dalawang magkahiwalay na opera-syon.
Bagama’t parehong itinuro ang Pilipinas bilang destina-syon, hindi pa napapatunayan kung konektado ang dalawang operasyon o kung sino ang mga inaasahang tatanggap ng droga sa bansa.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang mga financier, organizer at iba pang posibleng kasangkot sa mga transnational drug trafficking network.