Advertisers

Advertisers

Kaligtasan ng QCitizens, lalo pang sineguro sa KRIS ni Gen. KRIS Olazo

0 36

Advertisers

Programang KRIS laban sa kriminalidad, inilunsad ng Quezon City Police District (QCPD. Pero teka, hindi ba mayroon nang Operation Listo at Border Control Points (BCPs) at iba pang programa laban sa kriminalidad na itinaguyod at pinairal ni QCPD Acting District Director PBrig. Gen. Christopher Olazo, ilan araw ang nakalipas nang maupong bagong hepe ng kapulisan ng lungsod. Hindi ba sapat ito sa kabila ng epektibo naman ito? Nandyan pa iyong…habang tulog ang QCitizens, gising ang mga pulis para masiguro ang seguridad ng bawat indibiduwal…at pagkagising ay nandiyan pa rin ang mga pulis na nagbabantay.

Katunayan, sa OL at BCPs at iba pa…lalo na sa maghapon at magdamag na pagbabantay ng kapulisan, malaki ang ibinaba ng krimen sa lungsod sa unang linggo (pa lamang iyan) ni Olazo bilang ADD ng QCPD – Agosto 28, 2026 nang italaga si Olazo. Habang sa unang 30 araw niya ay 8 porsiyento naman ang ibinaba…at patuloy na bumababa.

Sa kabila ng lahat, nais pa ni Olazo na mas maging kampante at panatag ang milyong QCitizens lalo na ang mga magulang kung saan gabi na kung umuwi ang kanilang mga anak galing sa trabaho, maging iyong lumalabas at namamasyal.



Upang mas maging panatag ang kalooban ng QCitizens, inilunsad pa ang QCPD sa ilalim ng pamumuno ni Olazo, ang Project KRIS nitong Oktubre 6, 2026 sa QCPD Grandstand, Camp Karingal, Quezon City. Dumalo naman si PBGen. Christopher Abrahano, Officer-in-Charge ng National Capital Region Police Office, bilang Panauhing Pandangal at Tagapagsalita.

Ano nga ba ang kahulugan ng KRIS at layunin nito? K para sa Kabalikat, R – Report, I – Intervene, S -Samahan. Ang programa ay isang inisyatibo laban sa kriminalidad na nakabatay sa komunidad at ang layunin ay patatagin ang ugnayan ng QCPD sa mga QCitizen sa pamamagitan ng pagbabahagi ng impormasyon, mabilis na pagtugon ng pulisya, at aktibong pakikilahok ng komunidad sa pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko at pag-iwas sa krimen.



Sa okasyon, nagkaroon din ng panunumpa at pagpirma sa pangako ng suporta para sa Project KRIS, na nagpapakita ng dedikasyon ng mga nakatutulong na stakeholder na makipagkapuwang-gawa sa QCPD upang itaguyod ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng lahat.

Sa mensahe naman ni Abrahano, , binigyang-diin niya ang kahalagahan ng tiwala ng publiko sa kapulisuhan – kanya ring ibinahagi ang prinsipyo ni Robert Peel na “the public are the police and the police are te public.”



“Ang ibig kong sabihin sa siping ito ay napakahalaga ng tiwala ng publiko sa ating mga pulis. Kung hindi nagtitiwala ang publiko sa pulisya, kahit ano pa ang ipakita ng ating datos o kahit bumaba man ang antas ng krimen, ngunit patuloy pa ring nabibiktima ang mga karaniwang mamamayan, hindi pa rin tayo tunay na nagtatagumpay. Nagiging epektibo lamang ang pagpapatupad ng batas kung may tiwala ang mga tao sa ating pulisya. Kaya naman binabati ko si Gen. Olazo para sa inisyatibong ito, ang Project KRIS,” ani Abrahano.

Ang Project K.R.I.S. ay programang laban sa kriminalidad at pagpapalakas ng komunidad na nagbubuklod sa pulisya, mga barangay, at mamamayan bilang magkakabalikat sa pagpapanatili ng kaligtasan sa Lungsod Quezon.

Isa-isahin natin ang kahulugan at layunin ng bawat letra ng KRIS:

K – Kabalikat ng Barangay at Pamayanan – ang pagbuo ng mas matatag na ugnayan sa pagitan ng QCPD, mga barangay, BPAT, residente, paaralan, negosyo, pamilya, kabataan, mga samahang pananampalataya, at iba pang sektor ng komunidad upang matukoy ang mga isyu sa kaligtasan, itaguyod ang pagiging alerto, at suportahan ang mga legal na inisyatibo sa pag-iwas sa krimen.

R – Report Information – hihikayatin ang komunidad na maging responsableng mag-ulat ng mga impormasyong may kaugnayan sa krimen, kaduda-dudang gawain, at mga usapin sa kaligtasan ng publiko sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa E911/QC Helpline 122 upang matiyak na ang mga alalahanin ay mabilis na maiparating, masuri, at matugunan nang naaayon.

I – Intervene (Interbensyon at Pag-iwas sa Krimen) Pagpapalit ng mga nakumpirmang impormasyon tungo sa mabilis, makatarungan, at angkop na aksyon ng pulisya—mula sa mga hakbang sa pag-iwas at pagresponde hanggang sa imbestigasyon, pagpapatupad ng batas, at pakikipag-ugnayan upang matugunan ang mga alalahanin at mapigilan ang krimen bago pa ito lumala.

S – Samahan (community participation) – dito ang komunidad ay sama-sama sa pagkilos sa pagpapanatili ng aktibong pakikilahok sa pamamagitan ng mga inisyatibo ng barangay, pagpapakilos sa mga BPAT, kampanya sa impormasyon, diyalogo sa pamayanan, at iba pang legal na aktibidad sa pag-iwas sa krimen upang patatagin ang sama-samang pananagutan at bumuo ng mas ligtas na mga pamayanan.

Sa programang KRIS, tiyak na mas lalo pang bababa ang antas ng krimen sa lungsod na magreresulta sa doble-dobleng kapatagan ng milyong QCitizen. Sa pamamagitan ng programa ay mas madali ng masugpo o masawata ang ano man plano ng mga masasamang loob bunga ng sama-samang pagkilos ng bawat taga-QC at pulisya.