Advertisers

Advertisers

Sino ang Nagbabantay sa Nagbabantay?

0 20

Advertisers

Sa national security, may isang bagay na mas mahalaga kaysa tiwala: verification.

Kaya may background checks. May security clearances. May disclosures. May mga impormasyong hindi basta ibinibigay kahit mataas pa ang ranggo ng humihingi.

Hindi ito kawalan ng tiwala. Ito mismo ang trabaho ng isang security system.



Habang mas sensitibo ang hawak mong impormasyon, mas kaunti ang dapat tanggapin ng Estado nang walang tanong.

Kaya may ilang dokumentong umiikot ngayon na karapat-dapat linawin.



May U.S. travel-history record para sa Document No. 1259254. Ang nakalagay na country of issuance: Malta. Makikita rito ang sunod-sunod na arrivals at departures sa United States sa loob ng maraming taon.

Ang dokumentong ito ay iniuugnay sa dating Tarlac representative at presidential appointee na si Monica Prieto-Teodoro.



At dito nagiging mas seryoso ang usapan.

Hindi lamang dating mambabatas si Monica. Nagsilbi rin siyang Special Envoy of the President to UNICEF. May official record pa ang Philippine Mission to the United Nations ng kanyang pagharap sa UNICEF Executive Board sa New York noong Setyembre 2018 bilang kinatawan ng Pilipinas.

At oo—siya rin ang asawa ng kasalukuyang Secretary of National Defense na si Gilberto “Gibo” Teodoro Jr.

Dito dapat huminto muna ang politika at magsimula ang mas mahalagang tanong tungkol sa sistema.

Kapag ang isang opisyal ay pinagkakatiwalaan ng sensitibong defense information, kabilang ba sa security assessment ang foreign citizenship o foreign passport status ng immediate family?

Kung kabilang, ano ang kailangang i-disclose?

At kung na-disclose naman, kanino at kailan?

Hindi natin dapat sabihing security threat agad ang isang tao dahil foreign citizen ang kanyang asawa o anak. Napakalaking conclusion niyan kung walang ebidensiya.

Pero kabaligtaran din ang problema: hindi puwedeng sabihing walang dapat itanong dahil lamang wala pang napapatunayang paglabag.

Security vetting exists precisely because government should identify vulnerabilities *before* they become security problems.

May dagdag pang dahilan kung bakit hindi maliit ang tanong.

Noong 2025, kinumpirma mismo ng Department of National Defense na nagkaroon noon ng Maltese citizenship at passport si Secretary Teodoro. Ayon sa DND, isinuko at ni-renounce niya ito bago ang 2022 elections at na-disclose sa Bureau of Immigration, Comelec at Commission on Appointments.

Kung ganoon, malinaw na kinilala mismo ng gobyerno na mahalagang maayos at ma-disclose ang citizenship status ng Defense Secretary.

So what about the household?

Ano ang standards?

Ano ang safeguards?

Ano ang disclosures?

At sino ang nag-check?

Hindi ito tungkol sa paghahanap agad ng kasalanan.

Ito ay tungkol sa isang simpleng prinsipyo ng national security:

Hindi sapat na sabihin nating mapagkakatiwalaan ang isang opisyal.

Dapat mapagkakatiwalaan din natin ang sistemang nag-vet sa kanya.

At habang hindi malinaw kung anong safeguards ang ginamit, may tanong na karapat-dapat sagutin:

*Kapag ang nagbabantay sa seguridad ng buong bansa ang pinag-uusapan—sino naman ang nagbabantay sa nagbabantay?