Advertisers

Advertisers

Titser at anak inararo ng bus sa Teacher’s Day

0 23

Advertisers

NAGULUNGAN ng isang pampasaherong bus ang isang guro at kasama nitong anak habang nag-aabang ng masasakyan sa kahabaan ng Centennial-Gahak Road sa Kawit, Cavite.
Kinilala ang biktima na si Gemma, isang guro; at anak nito na nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan bunga ng pagkakasagi ng baby bus.
Kasalukuyan ginagamot sa San Pedro Calungsod Hospital ang mga biktima.
Sa ulat, 2:44 ng hapon nang naganap ang insidente sa kahabaan ng Centennial at Gahak Road ng nasabing bayan kungsaan galing ang mag-ina sa convenient store.
Nasa gilid ng kalsada at nag-aabang ng masasakyan ang mag-ina nang dumaan ang baby bus at nakaladkad ang mga ito.
Base sa salaysay ng drayber na si Rogelio, nawalan ito ng kontrol sa manibela hanggang sa nagdiretso ito sa lugar kungsaan nag-aabang ng sasakyan ang mag-ina.
Nagtuturo sa Cuneta Elementary School sa Baclaran, Pasay ang nasabing guro.
Lumabas sa imbestigasyon na walang lisensiya ang driver at OR/CR ang sasakyan dahilan upang i-impound ito.