Advertisers
SINUPALPAL ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang mga alegasyon ng “tanim buto” sa nagpapatuloy na pagha-hanap sa mga labi ng mga nawawalang sabungero sa Taal Lake.
Aniya, ang mga kritisismong ito ay “nonsense” na nag-uugat mula sa mga politikal na motibo at troll farms.
Matatandaang isinagawa ang paggalugad sa Taal Lake matapos na sabihin ng whistleblower, Julie Patidongan alyas “Totoy”, na ang katawan ng mga nawawalang sabungero ay itinapon natu-rang lawa.
Sa ngayon ay may mga narekober na sako ang mga awtoridad na pinaniniwalaang naglalaman ng mga buto ng tao.
Isasagawa ang examination upang matukoy kung ang mga butong ito ay sa mga tao, pagkatapos ay isasagawa ang DNA test, upang malaman kung may tutugma sa mga ito sa pamilya ng mga nawawalang sabungero.
Kasunod nito ay nagkaroon ng mga kritisismo sa social media nang sabihin nila na ang mga buto ay buo pa at nakalagay sa mga bagong sako.
“That is nothing. If I were to answer all of those criticisms, we might as well stop doing what we do,” ani Remulla.
Nanindigan si Remulla na nakatutok ang pamahalaan sa imbestigasyon sa kabila ng mga humahadlang dito.
Iginiit pa ni Remulla na ang Department of Justice (DOJ) ay nagsasagawa ng complex Taal Lake investigation na may masusing proseso at hindi lamang bara-bara.
“The legal prospects that we need to clarify within our ranks have become clear. Because there is a sequence there, a logical flow that you need to follow. This can’t be done haphazardly,” anang opisyal.
Ani Remulla, sa mga su-sunod na araw, “the revelations are becoming clearer where they fit into the picture.” (J. Domenden)