Advertisers

Advertisers

OVP, idudulog sa Korte Suprema ang COA disallowance sa P73-M confidential funds

0 26

Advertisers

IDUDULOG ng Office of the Vice President sa Korte Suprema ang disallowance ng Commission on Audit sa P73-milyong Confidential fund na ginastos noong 2022, ayon kay Defense counsel Michael Poa.

Tumutukoy si Poa sa 15-pahinang resolusyon ng COA na pinal na nagpapatibay sa notice of disallowance dahil umano sa hindi pagsunod ng OVP sa mga alituntunin sa paggamit ng confidential funds.

Sinabi ni Poa, ihahain nila sa Supreme Court (SC) ang petition for certiorari sa ilalim ng rule 65, na kumukuwestiyon sa umano’y grave abuse of discretion ng COA.



Aniya pinaghandaan na nila ang posibilidad na hindi pabor sa OVP ang magiging resolusyon.

Hindi pa aniya niya nakakausap si Vice President Sara Duterte tungkol sa desisyon ng COA, ngunit makikipag-usap muna sila sa Bise Presidente bago ihain ang apela.



Giit ni Poa, mayroon pang mga legal na remedyo na maaaring gamitin ng ovp at ng mga indibidwal na pinanagot sa naturang disallowance.

Ang paggamit ng confidential funds ng OVP ay isa rin sa mga alegasyong nakapaloob sa impeachment case laban kay VP Sara Duterte.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">