Advertisers

Advertisers

Parak lasing, nang-harass ng mga estudyante sa tindahan

0 41

Advertisers

AGAD pinadis-armahan, sinibak sa puwesto at ipinagharap ng kaso ang isang bagitong pulis nang mang-harass at magpaputok ng baril sa isang tindahan sa Alpsville 3, Barangay Ibabang Dupay, Lucena City.

Mismong si Quezon Police Provincial Police Office (QPPO) Director, Colonel Romulo Albacea, ang nag-atas kay Lucena City Police chief Lt. Col. Dennis De Guzman na ipagharap ng kasong grave threats, unjust vexation, physical injury and illegal discharge of firearms si Patrolman Rodolfo, 30, residente ng St. Jude 2A, Barangay Ibabang Dupay.

Hindi binanggit kung saan sa lalawigan naka-assign ang pulis, pero ayon sa ulat, siya ang Top 1 sa kanilang klase nang magtapos noong 2020-2021.

Ang aksyon ni PD Col. Albacea ay bunsod ng nag-trending na video ng pulis na nakitang nagwawala sa harapan ng Basilan Stroke gabi ng Sabado.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagtungong lasing sa nasabing tindahan ang pulis at bumili ng yelo.
Tiyempo namang duma-ting ang 20-anyos na estud-yante at bumili ng sigarilyo, subalit bigla siyang tinutukan ng baril ng nasabing pulis.

Dahil sa takot, tumakbo ang estudyante at maya-maya ganun din ang ginawa ng suspek sa dumating na dalawa pang estudyante, isa rito ay babae na bibili lamang sa tindahan.

Tinulungan naman ng may-ari ng tindahan na itago ang dalawang estudyante sa loob ng tindahan hanggang sa mai-rita ang pulis at walang habas na nagpaputok ng baril.

Nang matanggap ng Lucena Police Station ang reklamo mula sa 911, mabilis silang nagresponde at dinakip ang kanilang kabaro. Nakuha buhat sa pag-iingat nito ang isang baril na Canik TP9 SF Elite na may lamang pitong bala.