Advertisers

Advertisers

PBBM tutol sa online voting ng mga senador

0 9

Advertisers

MARIING tinutulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang amyendahan ang Senate rules upang payagan ang online participation at electronic voting ng mga senador na hindi makakadalo nang personal sa sesyon.

Sa Kapihan with the Media sa Japan, sinabi ng Pangulo na bilang dating senador, hindi siya pabor sa naturang mungkahi.

Ayon kay Pangulong Marcos, pinayagan lamang noon ang remote participation at online voting dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.



Aniya, wala nang katulad na sitwasyon ngayon na magbibigay-katwiran upang ibalik ang naturang sistema.

Sinabi rin ng Pangulo na tila para lamang kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang panukala upang makaboto ito kahit hindi humaharap sa Senado dahil sa usapin ng International Criminal Court (ICC) warrant. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">