Advertisers

Advertisers

PATONG SA ULO NI SEN. BATO IKINOKONSIDERA

0 9

Advertisers

IKINOKONSIDERA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na maglagay ng patong sa ulo ni Senador Ronald ‘Bato” dela Rosa para siya ay maaresto.

Ayon kay SILG Jonvic Remulla, maaari umano silang maglaan ng reward laban kay Dela Rosa ngunit hindi pa ito kailangan sa ngayon.

Nanawagan naman si Remulla kay Dela Rosa na sumuko na lang ito sa halip na magtago sa mga naghahanap na mga otoridad.



Kasalukuyang wanted ng International Criminal Court (ICC) ang dating hepe ng Philippine National Police (PNP) dahil sa kaniyang umano’y papel sa madugong war on drugs sa ilalim ng Duterte administration.

Sa ikalawang linggo na nang paghahanap ng mga awtoridad sa nagtatagong senador, sinabi ni Sec. Remulla na posibleng magbigay sila ng pabuya para madakip na ang senador.



Subalit, sinabi rin ng kalihim na hindi pa ito epektibo sa ngayon kayat tinitignan aniya ang mga kailangang gawin.

Matatandaang kamakailan nag-alok din ang ahensiya ng P20 milyong pabuya para sa makapagbibigay ng impormasyon para sa ikadarakip ng gambling tycoon na si Atong Ang, na kasalukuyang wanted din na may kaugnayan naman sa mga kasong kidnapping dahil sa napaulat na pagdukot at pagpatay sa humigit-kumulang 34 na sabungeros. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">