Advertisers

Advertisers

234 persons deprived of liberty, laya na!

0 125

Advertisers

Pinayuhan ni Department of Justice Jesus Crispin Remulla na gumawa ng tama at ikabubuti ng bayan ang mga pinalayang persons deprives of liberty ngayong araw.

May kabuuang 234 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa iba’t ibang kulungan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang lumaya nitong Huwebes ng umaga.

Mula sa nasabing bilang, umaabot sa 128 ang mula sa New Bilibid Prisons at 21 mula sa Correctional Institution for Women (CIW).



Lumaya rin rin ang 47 PDLs mula sa Davao Prison and Penal Farm; pito sa Leyte Regional Prison; 12 sa Sablayan Prison and Penal Farm; tatlo sa Iwahig Prison and Penal Farm at 16 sa San Ramon Prison and Penal Farm.

Ang pagpapalaya sa mga nasabing inmates ay pinangunahan nina Justice Secretary Crispin Remulla, BuCor OIC Gregorio Catapang, at Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda- Acosta.

Bago ang seremonya, binigyan ng pagkakataon ang ilang PDLs na matawagan ang pamilya para ipaalam na lalaya na sila.

Emosyonal ang mga inmate nang makausap sa telepono ang mga mahal sa buhay.

Umaasa ang DOJ, BuCor, at PAO na huwag nang bumalik sa mga kulungan ang PDLs.

Target ni Remulla na pagdating ng Hunyo 2023 ay makapagpalaya ng mahigit 5,000 preso na natapos na ang sentensya gaya ng ipinangako niya sa United Nations Human Rights Council (UNHRC).

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">