Advertisers

Advertisers

15 PULIS SA ‘MISSING SABUNGEROS’ TUKOY NA

0 50

Advertisers

INIHAYAG ng National Police Commission (NAPOLCOM) na natukoy na nila ang 15 pulis na umano’y sangkot sa kaso ng pagkawala ng mga sabungero.

Ayon sa ulat, ipatatawag ang mga pulis para harapin ang isasagawang administrative investigation.

Lumabas ito nang ihayag ni Julie “Dondon” Patidongan alyas Totoy, isa sa mga akusado sa kaso, na may ilang pulis na sangkot sa pagkawala ng mga biktima.



“Hindi kami bulag. Alam namin kung saan patungo ang imbestigasyon. Targeted ang aming imbestigasyon,” ayon kay NAPOLCOM vice chairperson Atty. Rafael Calinisan.

“Hindi ako magsisinungaling sa iyo. Alam ko ang mga pangalan. Gayunpaman, hindi ko ito masasabi sa iyo sa ngayon,” dagdag niya.



Inihayag naman ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na “under restricted duty” na ang naturang mga (15) pulis

Sa pagharap ni Remulla sa media nitong Biyernes, Hulyo 4, 2025, paraan daw ‘yon upang hindi na makapanakit ang mga sinasabing sangkot na pulis.



“Restricted duty na sila. They have to report already to offices para doon na sila. Para hindi na sila makasakit,” anang Justice secretary.

Sa ilalim ng restricted duty, hindi maaaring isabak sa kahit na anong field operations ang naturang 15 pulis at mananatili lamang sila sa mga office work.