Advertisers
HINDI umano makikialam ang Malacañang sa paraan ng pag-iimbestiga ng mga senador sa umano’y anomalya sa flood control projects.
Ito ang pahayag ng Palasyo matapos batikusin ni Senator Alan Peter Cayetano si Senator Panfilo Lacson, na inakusahan niyang tila nagdidikta sa mga ahensya kung paano isasagawa ang imbestigasyon.
Ayon kay Palace Press Officer at Communications Usec. Claire Castro, walang dahilan ang administrasyon para manghimasok sa mga usaping sakop ng Senado.
Giit ng Palasyo, dapat nakabatay sa ebidensya ang imbestigasyon at dapat mabigyan ng pagkakataon ang mga kinauukulang ahensya at opisyal na ipaliwanag ang kanilang panig.
Samantala, iginiit ni Cayetano na dapat ding siyasatin ang iba pang flood control projects sa bansa at hindi lamang ang mga proyekto sa Taguig.
Patuloy naman ang imbestigasyon ni Lacson sa mga kuwestiyonableng proyekto sa Taguig, kabilang ang mga dokumentong isinumite na niya sa Ombudsman. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)