Advertisers

Advertisers

60 PROVINCES UMAYAW NA SA KARAHASAN NG CPP-NPA-NDF

0 24

Advertisers

28,415 mga barangay, sa loob ng 60 provinces na nadeklara na, na may Stable Internal Peace and Security (SIPS) ang ayaw na sa mga panggugulo, pangaabuso, at pananamantala ng CPP-NPA-NDF.

Ibinalita yan ng bagong National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Deputy Director for Operations na si Rodrigo “Rhod” Lutao, nito lamang Martes (September 29) na Major Island Group Action Planning Workshop for Mindanao.

Iprinisenta ni Lutao. sa workshop na iyon, ang progreso ng National Action Plan for Unity, Peace and Development (NAP-UPD) sa mga Regions IX, X, XI, XII, CARAGA at BARMM.



Sabi niya, dati ang bilang ng mga barangay na iyan ay 21,614 lamang, mula 45 probinsiya.

Maganda nga ang pagbabago, dahil dumarami ang mga lugar at mga kababayan nating nananawanna sa pamemeste ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.



Sa nakikinita ko, dadami pa ang ating mga kababayan at mga lugar na mangangayaw sa CPP-NPA-NDF, kasi wala naman talagang gawang magaling ang mga ito.

Mas ninanais ng ating mga kababayan sa mga kanayunan ang maayos na pamamalakad ng pamahalaan. Yun walang nanggugulo, para naman umusad, una ang ekonomiya sa kanilang lugar, at siyempre ang kaunlaran ay makamtam naman ng kanilang barangay o’ ng kanilang lugar.



Sa iniulat nga ni Lutao, as of September 29, ang Barangay Development Program (BDP) ng pamahalaan ay naabot na ang 5,638 na mga lugar na dati’y ginugulo ng mga NPA. Napaglaan na din ang mga lugar na ito ng halagang ?44.90 billion at pinakinabangan na ng mga naninirahan sa mga lugar na yan.

Eh sino pa ba maniniwala sa CPP-NPA-NDF? Di naman nakapagbigay nang ganyang pondo para sa kaunlaran ng mga nabanggit na bilang ng mga lugar ang mga pesteng yan.