Advertisers

Advertisers

MAKINIG NAMAN KAYO

0 30

Advertisers

Walang puknat ang paghagupit sa pagtaas sa presyo ng bilihin na iniinda sa araw – araw ng taong bayan. Sa pagtaas ng presyo ng bilihin sa bansa, walang kibo ang naninirahan sa puno ng Balite sa Malacanan dahil si Mang Juan at nang tulad niya ang may pasan ng hirap dahil ‘di mapagkasya ang pantustos ng kakarampot na sahod. Nagpipilit ang tao sa laylayan na pagkasyahin ang kakarampot na sahod na inuuwi ngunit sadyang ‘di sapat. Sa karagdagang pasanin, sinisikap ni Mang Juan na mapag-aral ang mga anak ng ‘di matulad sa sinapit na kaayusan sa buhay. Hindi umaasa na mapagtatapos sa pag-aaral ang anak o mga anak at ang ibig ang makapasok sa trabaho at makatulong sa gastusin sa bahay. Ang makasama ang anak o mga anak sa tustusin sa bahay ang asam ng maibsan ang pasanin sa hirap na buhay. Ang kumita ng pantustos sa buwanang pasanin at sa araw-araw ang nagtulak kay Mang Juan na pag-aralin ang mga anak ng makatrabaho sa mada ling panahon. Payak ang adhikain at bahala ang sanlumikha sa susunod na tahakin sa buhay

Ang mataas na presyo ng bilihin ang usapin ng tao sa laylayan na ‘di pansin ng mga opisyal sa pamahalaan at nagtetengang kawali sa hinaing ng taong bayan. Sa totoo lang, walang layon ang pamahalaan na bigyan daan ang pansamantalang pagpapatigil sa VAT ng maibsan ang bigat ng pasanin ng tao sa laylayan. Ang masakit may pahayag ang ilang opisyal ng pamahalaan na may negatibong epekto ang pagpapaliban sa pagpapatupad ng VAT sa mga programa ng pamahalaan. Sa dahilang banggit, higit na nanggigil si Mang Juan at silip na una ang sariling kapakanan ng mga opisyal ng pamahalaan higit ang SOP sa mga proyektong ‘di maipapatupad. Muli, sa dahilang banggit, silip na walang puwang sa puso ng mga opisyal ng pamahalaan ang hirap na dinaranas ng tao sa laylayan. Ang ‘di maibigay na puwang na makakatulong sa pagpapagaan ng pasanin ng tao ang ganap na ‘di ibig ialay ng pamahalaan.

Sa totoo lang, maraming pagkilos ang nagaganap sa bansa upang ipaabot sa pamahalaan at tuunan sa pagpapababa ng halaga ng mga bilihin at ang bagay na ‘di magawa ng pamahalaan. Ang masakit pakabila ang tingin ng gobyerno na higit ang tuon sa usapin ng pagpapasipa sa abalang pangulo. Hindi inaalis na ilayo ang pansin sa usaping pinakaiibig ng pamahalaan ngunit bigyan tuon ang kalagayan ng tao sa laylayan na sagad na sa kahirapan. Sa totoo pa rin, hinanakit ang dala ni Mang Juan sa pangulo dahil hindi magawang gantihan ang tiwalang ibinigay sa nakaraan. Hindi naniningil si Mang Juan ngunit ang pagpapaabot ng hirap o pasanin sa buhay ang ‘di pansin ng inihalal na pangulo. O’ sadyang pangakong laway ang lahat at pakitang tao ang kabaitan dahil sa dulo, bahala ang bayan sa sariling buhay. Ang maghigpit ng sinturon ang kailangan gawin ng bayan kahit sa leeg ilagay wag’ lang paabutin sa pagpapalayas sa pamilya sa Malacanan.



Maramdamin si Mang Juan ngunit andap na pagpapaabot ng nararamdaman higit sa usapin ng kabuhayan na ‘di natutugunan ng pamahalaan. Pawang pag-ayon ang silip na gawain at ‘di makitaan ng paglabag sa tuntunin dahil sa suportang ibinigay sa lideratong namanhid sa salapi ng bayan. Wala sa pag-uugali na gumamit ng dahas sa pagpapa-abot ng pagkadiskuntento ngunit ang pananahimik sa mga usaping pangkabuhayan na ‘di natutugunan ang dapat ipag-alala ng opisyal ng bayan. Walang puwang ang salang gawa ngunit umasa na ‘di tatalima sa susunod na panahon na kayo ang mangailangan higit sa susunod na halalan. Ang pagkadismaya sa pamamalakad ng kasalukuyang liderato na una ang sarili at ‘di ang bayan, asahang aanihin sa darating na panahon ang diskontentong nadama sa panahon ng panunungkulan. Ang maramdaming si Mang Juan at mga tulad niya na binabaliwala ng kasalukuyan liderato ang salang gawa na aanihin ang sama ng loob sa susunod na halalan. Umasa na babalikwas pakabila si Mang Juan higit sa ‘di nakitang pagkalinga ng pamahalaan sa usapin na bitbit sa balikat.

Ang kawalan ng puwang sa damdamin ng tao sa laylayan ang kahinaang naglayo sa pangulo sa mga Pinoy na minsang umasa sa pagbabago. Sa una ang galing higit sa tindig sa usapin ng teritoryo ngunit sablay sa usapin ng SOP sa pamahalaan. Malinaw na pamimingwit ang usapin ng anomalya ng kurapsyon sa pamahalaan dahil sa laki ng pondo sa usapin. Sa totoo lang, iilan ang napinid habang ang mga kaalyado’y pilit na inaalo at ‘di maidala sa piitan ng BJMP. Ang usapin sa anomalya ng kurapsyon sa pamahalaan ang sima sa pagkuha ng atensyon ng taong bayan at sa kaliwang banda, limot ang kaayusan sa kabuhayan ng mamamayan. Silip na walang pagnanais na malutas ang usapin ng Pinoy at tulad ng banggit sa una, nagtetengang kawali ang pamahalaan higit ang pangulo sa usapin ng kabuhayan.



Sa totoo lang, ang pagbabago ang ‘di mapipigilan at ang ibig ang ipaabot ni Mang Juan at isisigaw na makinig at magmulat naman kayong nasa pamahalaan sa kalagayan ng tao sa laylayan. Matagal na kaming lugmok sa kahirapan at panahon ng harapin ang aming kalagayan pangkabuhayan para sa kinabukasan. Ang matagal ng nagtitiis na kahirapan at gaLangit na mahal ng mga bilihin ang tuunan at ipaabot sa aming kakayanan. Hindi kami nanlilimos o humihingi ng ayuda, ang ibig makinig kayo sa aming hinaing, pababain ang presyo ng bilihin o kung anong sapat na solusyon na makakagaan sa mabigat na pasanin.

Bilang panghuli, batid ni Mang Juan ang kabigatan ng kahilingan na mapababa ang presyo ng mga bilihin ngunit nananalig sa layon ng pangulo na iahon ang Pinoy sa kahirapan. Ang bilyon bilyong salapi na nasasayang sa korapsyom ang gawing sangkalan sa pagpapaliban ng ilang buwis na tuwiran ang pakinabang ng bayan. Umaasa na gagalawan ng pangulo ang hiling ng bayan na ipagpaliban ng papapatupad sa VAT ng petrolyo ng makahinga si Mang Juan sa susunod na mga araw. Sa huling pagkakataon, makikinig naman kayo sa taghoy ng bayan na ganap ang paghihirap dahil sa abot-Langit na presyo ng bilihin.



Maraming salamat po!!!!