Advertisers

Advertisers

Ex-DPWH Sec. Bonoan nananatiling co-accused ni Jinggoy sa graft case

0 21

Advertisers

NANANATILING co-accused ni Senador Jinggoy estrada si dating Department of Public Workds and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa graft case na nakabinbin sa Sandiganbayan Second Division.

Sa pagdinig nitong Martes, Setyembre 29 sinabi ng prosecution na nananatiling accused si Bonoan habang hinihintay ang aksyon ng Office of the Ombudsman sa kanilang rekomendasyon kung ano ang susunod na hakbang sa kaso.

Nauna nang tinanggihan ng Sandiganbayan noong Agosto 3 ang mosyon ng prosecution na alisin si Bonoan bilang akusado.



Ayon sa korte, maaaring maapektuhan ang mga depensang maaaring gamitin ni Estrada kung aalisin si Bonoan sa kaso.

Gayunman, klinaro ng korte na hindi nito isinara ang posibilidad na maging prosecution witness si Bonoan at hindi rin ito desisyon sa magiging kredibilidad o bigat ng kaniyang posibleng testimonya.



Inihain ng Ombudsman noong Mayo 28 ang graft at plunder charges laban kina Estrada at Bonoan kaugnay ng umano’y iregularidad sa budget insertions at kickbacks na may kaugnayan sa DPWH infrastructure at flood-control projects sa ilalim ng 2025 national budget.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">