Advertisers
Inilunsad nitong nakaraang Hulyo 1 ng isang grupo ang ‘social media platform’ nito para sa kampanyang naglalayong ilagay sa tama at gawing responsable, may pananagutan, at tunay sa kapaki-pakinabang ang sugal, hindi lamang sa mga sangkot dito kundi sa buong lipinang Pilipino.
Ang grupo ay tumutugon sa pangalang ‘Gaming Advocates for Meaningful and Ethical Reforms Coalition, Inc. or GAMERS Coalition.’ Kinakatawan nito industriya ng sugal at kinikilala nito sadyang kailangang mga reporma sa saktor para mapangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa at mga pamilya nila, pati na ng pamahalaan at lipunan.
Ayon kay Jay Carizo, isang ‘policy and governance specialist’ na gumagawa ng mga pag-aaral sa mga panuntunan sa industriya ng sugal, aysa sa mga bumubuo ng GAMERS Coalition, ang nais nilang mga reporma ay tutugon sa mga usapin o isyu sa saktor na dapat ay “batay sa mga ebidensiya at hindi pipelay sa industriya na nagbibigay ng makabuluhang trabaho sa maraming manggagawa at malaking halaga ng buwis sa pamahalaan para sa mga mamamayan, lalo na sa mahihirap.”
Rehistrado bilang isang ‘non-stock, non-profit organization,’ nangako din ang GAMERS Coalition na pagsasama-samahin nito ang mga ‘operators, regulators, workers, gamers and their families, and the communities’ upang isulong ang kailangang mga reporma at responsableng sugal.
“Nasa panig kami ng responsible, tama at makabayang pagkilos, at nais naming patunayan na ang sugal ay ligtas, nagbibigay lakas, maka-lipunan at kapaki-pakinabang sa bayan,” ayon sa GAMERS Coalition sa isang pahayag.
Idinagdag din nito na pagtutuunan na kanilang kampanya ang “Gaming policy reforms, Addiction, Information and Education, and Corporate Social Responsibility programs.”
Ayon naman kay Jay Carizo, isang ‘policy and governance specialist’ na gumagawa ng mga pag-aaral sa mga panuntunan sa industriya ng sugal,
Ang “GAMERS Coalition ay isang maganda at positibong kaganapan, at kung ito’s mapapangasiwaan ng mabuti at mabisa, maaari itong maging instrumento tungo sa ‘responsible pro-regulation, pro-community platform that can reclaim gaming as safe, empowering, and socially beneficial,” diin ni Carizo.
Lumalago ang sugal bilang isang ‘economic and entertainment’ sektor sa Pilipinas, at kung hindi ito maagang marereporma, magagamit nga ito sa mga gawaing ilegal gaya ng mga ‘scams’ at pandaraya, ‘money laundering’ at iba pang mga suliraning panlipunan, kasama na ang ‘financial distress, addiction,’ at kawalang tiwala sa pamahalaan.
Ito ang ayaw mangyari ng Gamers Coalition, kaya kumikilos na ito upang tugunan ang mga kahinaan ng industriya ng sugal gaya ng ‘lack of transparency, player protections, low community returns, exploitative and opportunist stakeholders, poor public perception of the gaming industry’ at gawin itong responsible at kapaki-pakinabang na sektor.
Bilyun-bilyong peso na ang idustriya ng sugal sa Pilipinas. Noong 2024, umabot sa P410.5 bilyon ang naging ambag na buwis nito sa pundo ng pamahalaan, katumbas ng 1.5% ng ‘Gross Domestic Product (GDP) ng bansa. Kung hindi matutugunan ang mga mga kahinaan nito, mula na rin sa mga lider ng sektor, malaking tukso ito para abusuhin.
Maaaring puntahan ang Coalition sa FB Account Gamers Coalition & X (formerly Twitter) @gcoalition.