Advertisers
Ang pagtakbo ni Riza HONTIVEROS sa NBÍ para magsampa ng kaso laban sa kanyang dating testigo at ilang vloggers ay TILA nag-boommerang sa mismong pagmumukha ng taklesang mambabatas.
HONTIVEROS immediately jumped into her self- serving conclusion na ” fake news” na agad ang akusasyon ng bumaligtad nyang testigo na una nang tumestigo laban kay Pastor Apollo Quiboloy.
Kung noong una ay abot- langit ang pagsamba ng senadorang nangangarap tumakbong presidente sa 2028 sa testigong si Michael Maurillo, ngayon ay sinasabi na ni HONTIVEROS ang kabalistaran dahil sa viral video na nagsasabing binayaran ito ng senadora ng isang milyong piso (Php 1M) para tumestigo laban kay Pastor Quiboloy sa imbestigasyong isinagawa ng komite ni HONTIVEROS sa Senado.
Ang committee report ng SENADO na pinamunuan nga ni HONTIVEROS ang tanging naging basehan ng husgado para sampahan ng patung- patong na kaso si Pastor Quiboloy.
Kinasuhan din ng senadora ang Ilan pang vloggers na ayon pa kay HONTIVEROS ay nagpapakalat ng fake news.
Lumutang tuloy ang tunay na kulay ni HONTIVEROS sa TILA palpak na pagsasampa ng kaso nito laban kay Maurillo at sa mga vloggers na kumokondena sa umano’y pagbabayad ng mambabatas sa mga testigong lumutang sa mismong komite nito sa SENADO.
Kapag ang grupo ni HONTIVEROS kasi ang bumabatikos at nambabato ng kung anu- anong akusasyon laban sa mga Duterte at mga kaalyado nito,pinalalabas ng senadora na ang mga accusations ay gospel truth pero ngayong bumaligtad ang kanyang inalagaang testigo ay agad nagtungo sa NBÍ at nagpasaklolo.
Obvious naman na nagpanic si HONTIVEROS nang ibulgar ni Maurillo na siya ay kinontak at binayaran ng senadora para magsinungaling at idiin si Pastor Quiboloy sa komite sa SENADO.
Nagpanic si Hontiveros sa tingin natin kung kaya’t nagtungo ito sa NBÍ para mapatigil ang mga binibitawang pahayag ni Maurillo sa social media.
Idinamay ni HONTIVEROS ang mga vloggers para takutin ang mga itong patuloy na talakayiin ang isyung pinasabog ng bumaligtad na si Maurillo.
Sa paningin ni Hontiveros,makakasira ito sa pabidang image nito at grandstanding na ginagawa sa bulwagan ng SENADO.
May masisira pa ba kay HONTIVEROS?
Matagal na siyang sira!
Sa ating pananaw, kung may dapat kasuhan,si HONTIVEROS ito sa pagtatanim NG MGA SINUNGALING at bayarang witnesses.
Buti na lamang at naririyan sa NBÍ si Director Jimmy Santiago na isang matino at tapat na opisyal.
Sa tingin ba ng senadora ay makakalusot kay Santiago ang kanyang mga paikot at drama?
Alam nating hindi papayag si Santiago na magamit ang NBI at mapaikot para sa personal na interes ng sino man.
Ang OVER- REACTION nito sa viral video ni Maurillo eventually gave the lady senator away.
Yun mismo ang naglaglag sa senadora!
Dahil sa panic at hesitation,nagkamali ito ng diskarte para pasinungalibgan ang ibinulgar ng dating testigong si Maurillo laban sa senadora.
Sa body language pa lamang at facial expression ni HONTIVEROS sa duration ng presscon nito,alam na kung sino ang naglulubid ng kasinungalingan.
OVER- eager ito na bigyang- diin na fake news ang mga sinasabi ni Maurillo at ang komento NG MGA vloggers sa nagviral na video.
Lalo lamang nadurog nang tuluyan ang kredibilidad ng senadora gaya ng kanyang integridad at moralidad na noon pa man ay lusaw na!.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com