Advertisers
Nagsagawa ng caravan ang grupo ng mga mangingisda na lumuwas pa mula sa Masinloc para umapela ng tulong kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ito ay kasunod pa rin ng umano’y patuloy na panggigipit ng mga barko ng China sa mga Pilipinong mangingisda sa Scarborough Shoal. Hiling ng grupo sa Pangulo, tulungan sila sa kanilang pangkabuhayan at kawalan ng karapatang pang-soberenya sa West Philippine Sea.