Advertisers

Advertisers

Mga magtatrabaho sa gobyerno dapat may NBI, CSC at Ombudsman clearance… ‘CRIMINALS’ ‘DI NA PUEDE SA MARCOS GOVT.

0 236

Advertisers

IPINAHAYAG ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang bagong requirement para makapagtrabaho sa executive branch ng gobyerno.

Ito ay matapos masilip na marami sa mga na-appoint sa mga ahensiya ng gobyerno ay may mga hinaharap na criminal at administrative cases.

Sa kanyang pagharap sa Commission on Appointments (CA), sinabi ni Bersamin na ang karagdagang requirements ay magpapahaba ng selection process, pero ito ay makatutulong kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na makapili ng mas karapat-dapat.



“We have had this unfortunate experience where the appointees were unworthy or turned out to have been charged with so many cases in the courts or administratively,” sabi ng retiradong Chief Justice ng Korte Suprema habang dinidinig ang pagkumpirma sa kanya.

“That’s what we want to avoid because that embarrasses the President and the administration,” diin ni Bersamin.

Katulad ng ibang aplikante, sinabi ni Bersamin na ang mga naghahangad na maging public official ay dapat magsumite ng clearance ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ang mga dating opisyal na gustong bumalik sa gobyerno ay kailangan magprisinta ng clearances mula sa Civil Service Commission (CSC) at ng Office of the Ombudsman.

Ang appointment ni Bersamin bilang executive secretary ay unanimously approved ng mga miyembro ng CA.

Ayon kay Bersamin, napakarami pang bakanteng puwesto sa gobyerno na dapat punuan.



Samantala, sa ilalim ng Memorandum Circular No. 3 ng pangulo, ang designasyon ng mga itinalagang ‘officers in charge’ (OIC) sa iba’t ibang government offices ay pinalawig hanggang Disyembre 31, 2022.