Advertisers

Advertisers

102-anyos lola may higit 100 apo at wala pang maintenance

0 158

Advertisers

Walang sikreto sa kanyang mahabang buhay si Lola Leonora Ibay ng Pampanga maliban sa kanyang malaki at masayang pamilya.

“Ewan ko bakit hindi ako tumatanda. Nasa Diyos iyan at sa mga bata, sa mga anak ko.”

Malakas at walang anumang karamdaman si Lola Leonora Ibay ng Brgy. Santiago, Lubao, Pampanga.



Siya’y 102 anyos, at ipinanganak noong Mayo 20, 1920 sa Santiago, Lubao.

Ayon sa ulat ng Pampanga Information Office noong October 6, 2022, isa si Lola Leonora sa pinakamatandang Kapampangan na nabubuhay sa kasalukuyan.

Batay ito sa datos ng Provincial Social Welfare and Development Office.

Pinagkalooban si Lola Leonora ng provincial government ng P100,000 bilang insentibo. Bahagi ito ng programa bilang pagkilala at pasasalamat sa senior citizens na 95 years old pataas sa kanilang naging kontribusyon sa kani-kanilang komunidad.

Kahit centenarian na, malakas, maliksi, at nakapaglalakad pa rin si Lola Leonora.



Hindi rin siya umiinom ng anumang gamot bilang maintenance.

Maging ang kanyang pagsasalita napakalinaw pa rin.

Umabot na rin sa mahigit isang daan ang miyembro ng kanyang pamilya sa dami ng apo ni Lola Leonora sa kanyang 18 anak.

Tinagurian siyang “old but gold” ng mga kapwa niya Kapampangan.

Aniya, noong October 27, wala siyang sikreto tungkol sa maganda niyang kalusugan.

“Ewan ko bakit hindi ako tumatanda. Nasa Diyos iyan at sa mga bata, sa mga anak ko.”

Masaya rin siya na marami siyang apo.

Sa katunayan, lagi niyang inaalala ang mga ito, at isa sa mga dahilan ng kanyang pananatiling malakas.

“Marami akong iniisip para sa kanila [mga apo] para sana mag-unlad ang kanilang buhay.”

Bukod naman sa insentibong natanggap niya mula sa provincial government, qualified din si Lola

Leonora sa PHP100,000 insentibo mula sa Department of Social Welfare and Development alinsunod sa Republic Act No. 10868 o ang “Centenarians Act of 2016.”