Advertisers

Advertisers

2 SUNDALO PINATAY NG NPA!

0 292

Advertisers

NEGROS Occidental – Pinatay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang dalawang intelligence officers ng 47th Infantry Battalion (47IB) ng Philippine Army sa Barangay Camindangan, Sipalay City.

Sa ulat ng Negros Occidental Police Provincial Office (NOCPPO), kinilala ang mga nasawi na sina Sgt. Regie Glindro at Staff Sgt. Ken Camilan. Nagsasagawa ng reconnaissance operation ang dalawa nang habulin sila ng armadong grupo sa isang maburol na bahagi ng Sitio Camboguiot.

“A group of armed men with unknown caliber of firearms shot both victims, hitting them on the different parts of body that resulted to their instantaneous death.”



Nabatid na intelligence operatives sina Glindro at Camilan ng 47IB na nakabase sa Barangay Haba ng karatig bayan ng Candoni.

Sinabi ng mga saksi, binaril ang mga sundalo ng limang lalaki, na tumakas sakay ng dalawang motorsiklo.(Mark Obleada)