Advertisers
MAYROON nang natukoy na 14 kaso ng BQ.1 lineage ng Omicron BA.5 subvariant sa pinakahuling sequencing na isinagawa ng UP-Philippine Genome Center o PGC noong Oct. 28 hanggang 18.
Ayon sa Department of Health (DOH), 6,070 samples ang isinalang sa sequencing kung saan kabilang rito ang 525 na nauri bilang Omicron BA.2.3.20; 358 na XBB; 254 na XBC; 12 na BA.2.75 at 864 na ibang Omicron subvariants.
Bukod dito, mayroon pang natukoy na 1,645 na Delta variant at subvariants.
Karamihan sa mga kaso ng BA.2.220 ay local cases mula sa lahat ng rehiyon maliban sa Region 8 at Caraga.
Nasa 23 ang Returning Overseas Filipinos habang anim ang kasalukuyang bineberipika.
Samantala, sa mga kaso ng BA.5, 520 ang local cases mula sa lahat ng rehiyon maliban naman sa Region 8 kung saan lima ang ROFs sa mga ito, 14 ang mga kaso ng BQ.1 habang biniberipika pa ang isang kaso kung local o ROF.
Sa BQ.1 na kaso, 13 ang local cases mula sa CAR, Region 1,4A,7 at NCR.
Sa karagdagang kaso naman ng XBB, 354 dito ang local cases mula region 1,3,4A,6,7,11,12,CAR at NCR kung saan tatlo ang ROFs habang ang natitirang kaso ay patuloy pang biniberipika.
Lahat naman ng nauri na bagong kaso ng XBC ay mga local cases mula sa 11 rehiyon ayon sa DOH. (Jocelyn Domenden)