Advertisers
NASAWI ang isang konsehal ng barangay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa labas ng kanilang barangay hall sa Sineguelasan, Bacoor City, Cavite.
Kinilala ang biktima na si Angel Ventura Tamayo, nasa hustong gulang, kagawad ng Brgy. Sinuguelasan, Bacoor City.
Hindi nakilala ang dalawang salarin na magkaangkas sa isang motorsiklo na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.
Sa imbestigasyon ni Police Sergeant Eugene De Leon, may hawak ng kaso, 5:50 ng hapon habang nasa labas ng barangay hall ang biktima kausap ang kanilang barangay secretary na si John Paul Tulayba Grande, 38, nang isang motorsiklo ang dumating sakay ang dalawang naka-bull cup at face mask.
Nang mapatapat ang riding in tandem sa biktima, pinutukan ito at mabilis na sumibat.
Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa krimen.