Advertisers

Advertisers

P2.65m cocaine nasabat sa Taguig City

0 226

Advertisers

AABOT sa P2.65 milyon halaga ng cocaine ang nasabat ng mga awtoridad sa pagsalakay sa isang storage facility sa Taguig.

Sa pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at National Intelligence Coordinating Agency (NICA), natunton ang isang warehouse sa Taguig kungsaan nakuha mula rito ang nasa 500 gramo ng cocaine na nagkakahalaga ng P2.65 milyon.

Natuklasan din ang iba’t ibang uri ng e-cigarettes o vape cartridge na naglalaman ng marijuana oil.



Dagdag pa, may nasa 30 gramo din ng kush o hybrid marijuana ang nakuha sa warehouse.

Maliban sa mga iligal na droga, nakuha rin ng mga awtoridad mula sa naturang pasilidad ang mga identification cards, small transparent glass at plastic tube container na pinaglagyan ng marijuana oil, samu’t saring paraphernalias, isang bag ng mga kapsula na walang laman at ilang bag na posibleng pinaglagyan ng droga.

Itinurn-over na sa PDEA Laboratory Service ang mga nakuhang gamit at iligal na droga para suriin at makapagsampa ng kaukulang kaso sa mga taong nasa likod ng storage facility.(Jocelyn Domenden)