Advertisers

Advertisers

11 PULIS SUGATAN SA TUMIHAYANG PATROL CAR

0 188

Advertisers

SUGATAN ang labing isang (11) pulis nang tumihaya ang sinasakyan nilang patrol sa car nang mawalan ng kotnrol sa manibela ang driver nito habang papaliko sa kurbadang kalsada sa Candoni, Negros Occidental nitong Lunes.

Kinilala ang mga sugatan na sina Patrolman Jerome Tolentino, Joey Bana-ag, Erick Abela, Immam James Apucay, Jared King Dadivas aat Bryan Ambajan, Corporals Mark Jil Salazar, John Arevalo, Noriel Vergara, Kenneth Valiao at Regie Tacdoro na pawang nakatalaga sa 604th Company Regional Mobile Force Battalion (RMFB)-6.

Ayon kay Major Ruel Culanag, hepe ng Cardoni Police, naganap ang insidente sa Purok1, Barangay Caningay, Cardoni.



Nagsasagawa ng regular na pagpapatrulya ang mga pulis sakay sa patrol car na mimananeho ni Apucay nang mawalang ito ng kontrol sa manaibela habang binabagtas ang palikong daan sa nasabing barangay.

Tumama ang sasakayan sa isang barriel bago tuluyang tumihaya ito.

Dinala ang 11 sa 16 pulis na nasugatan ng mga rescuer sa ospital upang malapatan ng lunas ang mga tinamong mga sugat sa katawan.(Mark Obleada)