Advertisers
Inaresto ng National Bureau of Investigation-7 ang isang abogado na opisyal ng Register of Deeds sa lungsod ng Mandaue City, Cebu .
Isinailalim sa inquest proceedings sa Office of the Ombudsman for the Visayas nitong Lunes, Nobyembre 28, ang akusado na si Atty. Reynaldo Mayol.
Itinanggi naman nito ang lahat ng alegasyon laban sa kanya.
Ayon sa ulat ng NBI-7, ang pag-aresto kay Mayol, nag-ugat sa mga akusasyon na hihingi ito ng pera bago makipagtransaksyon sa isang kliyente.
Nahuli ito sa kanyang tanggapan noong Biyernes na tumatanggap ng P150,000 cash kasama ang complainant na si Manuel Dy at mga ahente ng NBI sa isinagawang entrapment operations.
Nagbigay na umano si Dy ng P100,000 para i-annotate ang titulo nang manalo sa kaso ng korte sa RTC branch 18 nguni’t humingi pa ito ng karagdagang P150,000 para makapaglabas ng bagong titulo.
Kakaharapin ng akusado ang kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Bribery at administratibong reklamo para sa paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Posible pa umanong may ibang tao na sangkot sa ilegal na gawain kaya hinimok ng otoridad ang mga naging biktima ng abogado na magsampa rin ng reklamo.