Advertisers

Advertisers

JO employee ng BI, sibak sa kotong

0 169

Advertisers

Sinibak na ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang “job order” na empleyado na inaresto sa Muntinlupa nitong Nobyembre 22.

Ayon kay Commissioner Norman Tansingco, ang nasabing empleyado, kasama ang siyam na iba pa, na inaresto ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) nang magpanggap na miyembro ng

National Bureau of Investigation (NBI) kung saan kinulong at tinangkang kotongan ang isang Chinese national na nakatira sa Ayala, Alabang Village.



Nabatid na nagpakilalang Immigration Officer ang nasabing empleyado noong inaresto ang Chinese national.

“Upon checking our records, we confirmed that he is not an immigration officer, but rather a job order employee,” ayon kay Tansingco.

“As a job order employee, he was not authorized to conduct arrests, and was actually assigned to do simple office tasks,” dagdag pa ng BI Chief.

Nilinaw din ni Tansingco, na isang kontraktuwal na may six month contract ang isang job order employees.

Nang malaman ng BI Chief ang insidente, agad nitong ipinag-utos ang termination ng nasabing empleyado at nakipag-ugnayan na rin sila sa PNP para sa pagsasampa ng kaso laban sa empleyado.



“People like him tarnish the name of the Bureau that we work so hard to improve,” ayon kay Tansingco.

“We will not tolerate any such illegal activities, hence we immediately terminated his services, and he will continue to face the criminal charges that might be filed against him,” dagdag pa nito.