Advertisers
Nasakote ang isang lalaki na wanted sa pananaksak sa Tondo makalipas ang mahigit isang taon pagtatago sa batas sa pagsisikap ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa Southern Leyte.
Kinilala ang suspek na si Benjie Caballegan, nasa hustong gulang, na naarestp sa San Juan Southern Leyte noong Nob. 25.
Sa report, taong 2021 nang mangyari ang insidente sa Brgy.101 Tondo kung saan nakunan ng CCTV ang pananaksak nito sa isang lalaki na maswerte namang nakaligtas.
Ayon kay Manila Police District-Raxabago Police Station commander PLtCol Rosalino Ibay Jr., walang malinaw na motibo sa pananaksak na posibleng napagtripan lamang dahil sa kalasingan.
Hindi rin aniya kilala sa lugar si Caballegan.
Ayon kay Ibay, sinadya pa ng kanyang mga tauhan sa Leyte si Caballegan kung saan nagtago matapos ang pananaksak para ihain ang warrant of arrest nang makatanggap ng impormasyon ang pulisya sa kinaroroonan nito.(Jocelyn Domenden)