Advertisers

Advertisers

Misis patay sa selosong mister

0 180

Advertisers

Patay ang isang misis ng pagsasaksakin ng mister noong Sabado sa Zamboanga city.

Kinilala ang biktima na si Susane Hasil Leonardo, 38; habang naka-hospital arrest naman ang salarin at asawa nitong si Ruel Leonardo, 42 anyos at kapwa residente sa nasabing lungsod.

Sa report ng Zamboanga-PNP, naganap ang krimen sa labas ng pinagtatrabahuhan ng biktima sa Veterans Avenue ng naturang lungsod.



Nabatid, na nakikipaghiwalay na ang biktima sa kanyang mister dahil sa pagiging seloso nito na hindi matanggap ni Ruel.

Dito, inaabangan niya sa labas ng trabaho ang biktima at ng makita niya ito agad niyang pinagsasaksak sa iba’t ibang parte ng katawan saka naman nagsaksak sa sarili si Ruel.

Agad naman dinala sa ospital ang mag-asawa subali’t idineklarang patay si Susane habang patuloy naman ginagamot si Ruel.

Nahaharap sa kasong parricide si Ruel.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">