Advertisers

Advertisers

Misis pinugutan ng ulo at ipinatong sa krus sa sementeryo

0 2,835

Advertisers

PINAGTATAGA at pinugutan ng ulo ang isang babae sa Sagay, Negros Occidental.

Kinilala ang biktima na si Gelle Recodo, 58 anyos. At ang salarin ay kinilalang si Randy Maniego, 35.

Sa report, nangyari ang krimen noong Sabado, Nobyembre 26.



Ayon sa ulat, naglalakad sa Barangay Maquiling ang biktima kasama ang pamangking babae nang makasalubong si Maniego.

At walang sabi-sabing pinagtataga ni Maniego ang biktima.

Bagama’t sugatan, nakatakbo pa at pumasok sa loob ng tubuhan si Recodo upang magtago, subali’t sinundan pa ito ni Maniego at muling pinagtataga, pinugutan pa ng ulo.

Binitbit pa ni Maniego ang ulo ng biktima sa sementeryo.

Naabutan ng mga pulis si Maniego na nakaupo sa isang nitso katabi ang pugot na ulo na ipinatong nito sa isang krus. Agad itong inaresto ng mga awtoridad.



Lumabas sa imbestigasyon na away sa kalabaw ang sanhi ng krimen, na 12 taon umanong inalagaan ni Maniego ang kalabaw ni Recodo at humihingi ito ng P10,000 sa biktima sa pinagbentahan ng kalabaw nguni’t P2,000 lamang ang ibinigay ni Recodo.